Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Magpatawad

Minsan, may hindi magandang ginawa ang kaibigan ko sa akin. Alam ko na kahit ganoon ang ginawa niya ay kailangan ko siyang patawarin. Pero parang ang hirap niyang patawarin. Nasaktan ako sa ginawa niya at nagalit. Nag-usap naman kami at sinabi kong napatawad ko na siya. Pero sa tuwing makikita ko siya, bumabalik muli ang sakit. Alam ko na hindi ko…

Buhay at Kamatayan

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong nasaksihan ko ang pagkamatay ng kapatid ng aking kaibigan. Habang nag-uusap kaming tatlo sa isang kuwarto ng ospital, unti-unti nang nahirapang huminga ang kapatid ng aking kaibigan. Nilapitan namin siya at sama-sama idinalangin. Sa kanyang huling hininga ay naramdaman pa rin namin ang pagmamalasakit ng Dios sa kabila ng aming pagluha at kalungkutan.

Nakaranas din ang…

Ulan sa Tagsibol

Habang naglalakad ako sa isang parke, nabaling ang atensyon ko sa maliliit na halaman na malapit nang mamulaklak. Ang mga bulaklak na iyon ay nagpapahiwatig na malapit na ang tag-init at matatapos na ang panahon ng taglamig.

May mababasa naman tayo sa Lumang Tipan ng Biblia na tila walang katapusan ang panahon ng taglamig. Inutos noon ng Panginoon kay propeta Hosea…

Tuloy po Kayo

Naging magandang alaala sa aming mag-asawa ang hapunan namin sa bahay kasama ang mga pamilyang bisita namin galing sa limang bansa. Maganda ang naging kuwentuhan namin dahil ikinukuwento ng bawat isa ang kanilang karanasan sa pagtira sa London. Kung nasiyahan ang aming mga bisita sa mainit naming pagtanggap sa kanila, mas lalo kaming nasiyahan sa pagbisita nila. Bukod sa nagkaroon kami…

Ang Parola

May isang gusali sa bansang Rwanda na tinatawag na Lighthouse. Nakatirik ito sa lugar kung saan maraming tao noon ang pinatay. Itinayo ng mga nagtitiwala kay Jesus ang Lighthouse para maging simbolo ng kaligtasan at pag-asa sa mga tao doon. Nagtuturo rin sila ng Salita ng Dios para magabayan nila ang bagong henerasyon na siyang mga susunod na mamumuno sa bansa…